Bubuksan anumang oras ngayong buwan ni Manila Mayor Isko Moreno sa publiko ang bagong City hall underpass.
Tiniyak ng naturang alkalde na kompleto mula sa pagkakaroon ng round-the-clock security personnel para sa kaligtasan ng mga taong daraan sa lugar at mayroon pang digital information desk na gagabay sa lokal at turista sa kanilang direksyon sa destinasyon sa kanilang patutunguhang sa lungsod.
Sa oras na matapos ang renobasyon, sinabi ni Moreno na isang bagong anyong underpass ang makikita ng Manileño na malayo sa pangit at sira-sirang underpass noon.
Inatasan din ni Moreno si city engineer Armand Andres na ayusin ang flooring nito sa pamamagitan ng paglalagay ng non-skid tiles, upang walang sinuman ang madulas kahit na sa tag-ulan. Inayos na rin ang kisame ng underpass habang maglalagay din din sa loob ng vertical wall gardens. ARSENIO TAN
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA