Nagbigay babala si Pasay City. Police chief Col. Cesar Paday-os sa kanyang mga tauhan na wag masasangkot sa anumang uri ng katiwalian sa ilalim ng kanyang pamumuno.
Ayon kay Paday-os sa kanyang pag-upo bilang COP ng Pasay, mahigpit niyang binilinan ang mga station commander at mga tauhan nito na tuloy lang ang pagtupad sa kanilang tungkulin at iwasan na masangkot sa iligal na droga.
Idinagdag pa nito na prayoridad niyang tutukan ang illegal na droga, terorismo, loose firearms at safety ng mga police laban sa COVID-19.
Pasay City. Police chief Col. Cesar Paday-os
Araw-araw din niyang ginagawang pagbisita sa mga PCP para i-monitor ang sitwasyon ng mga lugar na kanilang nasasakupan sa lungsod.
Tuloy pa rin daw ang police visibility sa ilang lugar sa Pasay partikular ang Baclaran area dahil sa daming mga mamimili mula sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.
Aniya, tuloy-tuloy pa rin na ipinatutupad ang random drug test sa mga tauhan nito bilang bahagi pa rin sa isinagawang internal cleansing sa hanay ng PNP. RUDY MABANAG
More Stories
P10.4M Confidential fund nawawala… VP SARA SWAK SA ASUNTO – REP. LUISTRO
PILIPINAS NAGHAHANDA NA PARA MAG-HOST SA FIVB 2025 MEN’S WORLD
BILANG NG KASO NG DENGUE SA NCR LUMOBO