December 24, 2024

BAGONG CAMANAVA TRAINING CENTER PINASINAYAAN SA NAVOTAS


Pinangunahan ni TESDA Director General, Sec. Isidro Lapeña, kasama si Deputy Director General, Lina Sarmiento; Regional Director, Florencio Sunico Jr.; District Director, Rolando Dela Torre; NAVOTAAS Institute Head, Kathryn Anne Hilario; at Vice Mayor Clint Geronimo ang isinagawang ribbon cutting at unveiling of marker sa Navotas Vocational Training and Assessment (NAVOTAAS) Institute bilang bagong Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) satellite office at training center sa Caloocan, Malabon, Navotas and Valenzuela (CaMaNaVa) area. (JUVY LUCERO)

Mas maraming Navoteños ang mabibigyan ng access sa libreng technical and vocational education kasunod ng inagurasyon ng Navotas Vocational Training and Assessment (NAVOTAAS) Institute bilang bagong Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) satellite office at training center sa Caloocan, Malabon, Navotas and Valenzuela (CaMaNaVa) area.

Pinangunahan ni TESDA Director General, Sec. Isidro Lapeña, kasama si Deputy Director General, Lina Sarmiento; Regional Director, Florencio Sunico Jr.; District Director, Rolando Dela Torre; NAVOTAAS Institute Head, Kathryn Anne Hilario; at Vice Mayor Clint Geronimo ang ribbon cutting at unveiling of marker.

“It may take a while for our economy to fully recover, but it is prudent to keep our people ready and equipped with new and multiple skills. Their education and training can boost their chances of landing jobs and other livelihood opportunities in the future,” ani Mayor Toby Tiangco.


“We look forward to our continued partnership with TESDA and the success of more Navoteños in the tech-voc field,” dagdag niya.

Ang TESDA-NAVOTAAS Training Center ay pagpapabilis ng facilitate certification ng mga Overseas Filipino Workers bound abroad, nagbukas din ng assessment center para sa Domestic Work NC II.

Ito ang unang assessment center para sa Domestic Work NC II sa National Capital Region.

Ang training center ay nag-aalok ng karagdagan tech-voc courses sa 2D Animation, Advance Microsoft Excel Training, Computer System Servicing, Cyber Security, Driving, and Solar Powered Lighting at Mobile Phone Charging Kit Training. Noong nakaraang taon, ang Navotas at TESDA ay lumagda ng isang memorandum of agreement na nagbibigay ng latter the right sa paggamit ng second, third at fourth floors ng NAVOTAAS Institute-Main sa loob ng limang taon.