Bubuslo na sa April 9 ang Pilipinas VisMin Super Cup via bubble set-up. Ito ang first-ever pro league sa timugang parte ng bansa.
Idaraos ang mga laro sa Alcantara sa Cebu. Ang naturang bayan ay walang naiulat na kaso na nagkaroon ng COVID-19. Kaya safe ang venue. Ang Ambassador nito ay si dating MBA at PBA player Dondon Hontiveros.
Kaugnay dito, walang endorsers ng anumang brand ang liga. Wala ring multi-million contract.
Ang liga ay pinayagan at pinagtibay ikasa ng Games and Amusement Board (GAB). Tampok din dito ang talagang homegrown talent sa basketball.
Ikinasa ang liga para sa development ng basketball. Lalo na ang mabigyan ng chance ang mga homegrown players na makalaro. Gayundin ng pagbibigay ng hanapbuhay para sa kanilang pamilya.
Ang team owners ang magpapasahod sa mga players. Pero, inilatag ng liga ang salary cap sa P1milyon bawat team na binubuo ng 20 players.
Masaya naman si VisMIn Cup chie Executive Officer Rocky Chan sa tagumpay ng pagkasa ng bagong liga.
“Regarding sa liga, negative pong lahat ang resulta ng COVID-19 sa ating mga players. Gayundin sa coaches, personnel at technical officials,” ayon kay Chan.
Nasa 200 personnel aniya ang nag-undergo sa COVID-19 test bago rumekta sa bubble nitong nakaraang buwan.
Ang mga laro ay mapapanood sa official VisMin social media account. Pati na rin sa Facebook at Youtube. Mayroon naman itong delayed telecast sa Solar Sports.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!