Naka-set idaos ang Smart Badminton Asia Championships 2022 sa Muntinlupa sa darating na weekend. Kung saan, magtatapat ang mga top badminton players sa Asia. Ang venue ng torneo ay isasagawa sa Muntinlupa Sports Complex. Papalo ang tournament mula April 26 hanggang May 1.
Ayon kay Philippine Badminton Association vice president Jude Turcuato, mga nasa 276 shuttlers ang maglalaban sa Level 2 event. Aniya, ang BAC ang magiging pasaporte upang magkaroon ng international experience ang mga Filipino badminton stars.
Gayundin ng preparasyon nila sa pagsabak sa Southeast Asian Games sa May 12-23 sa Vietnam.
“This tournament is not for us to expect a gold medal or to win. This tournament is for us to begin that journey and the experience to be able to get exposure and compete with international athletes,” ani Turcuato sa pre-tournament press conference sa Crimson Hotel.
Babandera para sa Philippine team si world no.5 men’s singles player Anthony Ginting. Kabuuang 13 Pinoy shuttlers ang papalo sa BAC. Kabilang dito sina Paul John Pantig at Christian Bernando.
More Stories
150 PDL IBINIYAHE SA LEYTE
World Slasher Cup nakatakda sa Jan. 20-26 sa Araneta Coliseum
BONG GO: BIKOY DAPAT MAGPATINGIN SA MENTAL HOSPITAL!