November 3, 2024

BACOOR-LAS PIÑAS BOUNDARY, MAHIGPIT NA BINABANTAYAN NG HPG


Ilang riders na ang natiketan ng Highway Patrol Group na nakaposte sa boundary ng Bacoor at Las Piñas City dahil sa ipinatutupad na health protocols.

Karamihan sa violation ng mga riders na natiketan ay nag-change color ng kanilang motorsiklo pero dahil sa pandemic hindi na in-impound ang kanilang motorsiklo at pinalulusot sila sa checkpoint.

Isa-isang ding hinarang ng mga tauhan ng HPG ang mga motorcycle riders at private vehicles kung authorized ba silang lumabas base sa itinakda ng pamahalaan sa ilalim ng umiiral na ECQ.

Pinalulusot naman ng HPG ang mga private vehicles na may essential travel.

Isang Indian national naman ang sinita kanina dahil hindi siya essential worker.

Depensa naman ng dayuhan ay bibili lang siya ng makakain sa grocery at hindi naman daw siya maniningil ng 5/6 na pautang kaya’t pinalusot na lamang siya sa checkpoint.

Kanina dumaan din si HPG director Alex Tagum sa boundary ng Bacoor at Las Piñas para magsagawa ng inspection sa mga checkpoint na inilatag ng kanyang mga tauhan sa bahagi ng Las Piñas City.