November 3, 2024

BACKRIDING SA TRICYCLE, PINAYAGAN NA ULI SA VALENZUELA

PINAPAYAGAN na ulit ng Local Government ng Valenzuela City ang back-riding o pag-angkas sa pasahero sa mga pampasaherong tricycle sa lungsod.

Ayon kay Mayor Rex Gatchalian, alinsunod sa ordinansa No. 810 Series of 2020, dapat lamang ay may nakakabit na non-permeable transparent barrier, tulad ng plastic cover sa pagitan ng driver at pasaherong nakaangkas.

Kailangan ding nasusunod ang minimum health standards, katulad ng pagsuot ng mask at face shield ang driver at kanyang pasahero.

Paalala pa ng alkalde, isang pasahero pa rin ang papayagan na sumakay sa loob ng sidecar at lahat ng bibyahe ay kailangang sumunod sa health at safety protocols.

Kaugnay nito, sa inilabas na fare matrix ng pamahalaang lungsod, P12 na ang minimum fare ng kada pasahero ng tricycle at magdadagdag ng P2 sa kada sususnod na kilometro.

Para naman sa special trip, P24 na ang babayaran ng kada pasahero simula sa terminal at magdadagdag ng P4 kada susunod na kilometro.

Magsisimula sa Lunes, November 2, 2020 ang pagpapatupad ng pag-angkas sa mga tricycle para mabigyan ang mga tricycle drivers ng sapat na paghahanda sa pagkabit ng kanilang mga transparent barriers.