UMARANGKADA na sa marubdob na trabaho ang bagong nombradong pinuno ng Philippine Sports Commission na si Chairman Richard ‘ Dickie’ Bachmann mas maaga pa kahapon sa mga kawani ng naturang ahensiyang pang-sports ng pamahalaan.
Kaagad na nirondahan ni Bachmann ang mga pasilidad ng makasaysayang Rizal Memorial Sports Complex na kinatitirikan ng Philippine Sports Commission Administration Building magmula Rizal Coliseum,Tennis Court,Baseball Stadium,Swimming Pool,Multi-Purpose Gym,Squash Court at National Sports Medicine building.
Nagdaan sa matinding renobasyon ang RMSC bago ang hosting ng 2019 Southeast Asian Games.
Matapos ang ronda ay dumiretso si Bachmann at kanyang pamilya upang manumpa sa tungkulin kay Executive Secretary Lucas Bersamin sa MalacaƱang bilang ika-12 Chairman ng PSC.
Matapos ang oathtaking sa Palasyo ay agad na nagsagawa ng kauna-unahang Board Meeting kasama ang kanyang tatlong Commissioners sa Boardroom na sina Bong Coo,Walter Francis Torres at Edward Hayco.
“Heto na, totohanan na ito” maikling pahayag ni Commissioner Coo na naunang appointee ng Pangulong Ferdinand Marcos sa PSC bago nasundan lang kamakailan ng dalawa pa upang magkaroon ng quorum ang bawat pulong ng Board. Pinalitan ni Bachmann si Noli Eala na naglingkod lang sa loob ng apat na buwan.
More Stories
Gatchalian: Pag-amyenda sa Teachers Professionalization Act layong iangat ang edukasyon sa bansa
ZERO BUDGET DESERVE NI VP SARA – ESPIRITU
IMEE, VILLAR UMABOT NA SA P1-B ANG GASTOS SA POLITICAL ADS