Binalaan ng grupong Medical Action Group si House Speaker Allan Cayetano na huwang gamitin ang bakuna sa COVID-19 para magpabago ng pangalan.
Inilabas ang naturang pahayag nang sabihin ni House Secretary General Dong Mendoza na prayoridad ni Velazco na mapabakunahan ang may 8,000 miyembro at kawani ng Mababang Kapulungan sa oras na maging available na ang COVID-19 vaccine.
Matatandaan na lumubo ang bilang ng kaso ng nakamamatay na virus sa Kamara.
Para kay Medical Action Group Chairperson Dr. Nemuel Fajutagana, nakakatakot ang ganitong mga pahayag dahil maari talagang mangyari ang disenfranchisement sa oras na dumating nasa bansa ang COVID-19 vaccine lalo na’t posible umanong mauuna sa bakuna ang mga kongresista at kanilang mga staff gayung sila ang may hawak ng budget.
“Baka naman ito ay maging in aid of reelection to some people. May magandang plano sa distribution ng vaccine, ang issue rito is if it will not really be hijacked. May mga mangyayaring deviation. Pero papaano kaya natin maga-guarantee na iyong ating plinano na those supposed to be given priority will really get that material or that vaccination, ”pahayag ni Fajutagana.
Umapela naman ang grupo kay Galvez na tiyakin ang transparency sa pamamahagi ng COVID 19 at unahin dapat ang vulnerable sector.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA