NAGBABALA ang Department of Health (DOH) na ilegal at masyadong mapanganib ang pagbili at pagbebenta ng plasma mula sa mga pasyenteng gumaling sa COVID-19.
Ayon sa naturang ahensiya, wala pang sapat na ebidensiya na nagpapatunay na epektibo ang plasma laban sa SARS-COV2 o ang virus na nagdudulot ng nasabing sakit.
“Studies have shown that it could pose serious risks to patients, who may contract transfusion-transmissible infections (TTIs) such as HIV, hepatitis, and malaria,” saad ng DOH.
Dagdag pa ng DOH, sa ilalim ng National Blood Service Act of 1994 na lahat ng dugo at blood products ay kailangan kolektahin mula sa volunteer blood donors lamang.
Ipinagbababawal din ng naturang batas ang pagbabayad sa blood donations.
Una rito, nakatanggap ng ulat ang DOH na may mga indibidwal ang bumibili ng plasma mula sa mga nakarerekber na pasyente, fixer, at staff ng hospital.
“There are also other reports that some intentionally infect themselves so that their plasma can be donated after recovery for which they are promised remuneration,” ayon sa DOH.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA