SINELDA ang isang 38-anyos na babaeng wanted sa kasong child abuse matapos maaresto sa isinagawang manhunt operation ng pulisya sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong akusado bilang si Miracle Sumbeling, driver ng Blk 25 Lot 7 Sampaguita St., Pabahay, Brgy Tanza 2, Navotas City.
Ayon kay Col. Ollaging, dakong alas-2:05 ng hapon nang maaresto ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) at Sub-Station 1 sa isinagawang joint manhunt operation ang akusado sa kanilang bahay matapos ang natanggap na impormasyon na naispatan ang kanyang presensya sa kanilang lugar.
Si Sumbeling ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Cecilia Bunagan Parallag ng Regional Trial Court (RTC) Branch 9 Family Court, Navotas City para sa kasong Special Protection of Children Against Child Abuse Exploitation And Discrimination Act. (Anti-Child Abuse Law) (Sec. 10 of RA 7610).
Kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng Navotas police ang akasado habang nakabinbin ang issuance ng commitment order.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA