ARESTADO ng mga operatiba ng District Special Operation Unit ng Northern Police District (DSOU-NPD) ang isang babae na listed bilang top 1 most wanted sa kasong dalawang bilang ng pagpatay sa isinagawang manhunt operation sa Caloocan City, kahapon ng umaga.
Kinilala ni DSOU chief PLt Col. Robert Sales ang naarestong akusado bilang si Leny Cruz, 35 ng Blk 21, Brgy. Longos, Malabon City.
Sa report ni PLt Col. Sales kay NPD Director P/BGen. Ponce Rogelio Penones Jr, nagsagawa ang mga operatiba ng DSOU sa pangunguna ni P/Lt Armando Pandeagua Jr ng manhunt operation kontra wanted persons.
Natimbog ng DSOU sa nasabing police operation ang akusado dakong alas-8:30 ng umaga sa Monumento, Brgy., 78 Caloocan City.
Ang akusado ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Josie Rodil, Presiding Judge ng Regional Trial Court (RTC) Branch 293, noong Dec 9, 2021 para sa kasong two counts of Murder.
Pansamantalang nakapiit ang akusado sa Costudial Facility Unit (CFU) ng NPD habang hinihintay ang commitment order ng korte.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA