NAMATAY ang isang babaeng PUPC (persons under police custody) kaya hindi nabigyan ng pagkakataong maipagtanggol sa hukuman ang kinakaharap niyang kasong may kaugnayan sa illegal gambling sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ni PCpl Florencio Nalus, dakong alas-12:18 ng hapon nang isugod ng mga tauhan ng Custodial Facility Unit (CFU) ng Navotas City Police Station ang 45-anyos na PCUP sa Navotas City Hospital (NCH) matapos dumaing kahirapan sa paghinga subalit, idineklara siyang dead on arrival ng kanyang attending physician.
Sa tinanggap na ulat ni Navotas police chief P/Col. Dexter Ollaging, ang nasabing PCUP ay dumaranas ng Massive Myocardiac Infarction (Heart Attack).
Nauna rito, noong December 26 at 31, 2022 ay dinala ng mga tauhan ng CFU-NCPS ang nasabing PCUP dahil din sa kahirapan sa paghinga saka na-diagnose at nalaman na mayroon siyang Bronchial Asthma in Acute Exacerbation kaya nang maibalik sa CFU ay hiniwalay siya sa ibang PCUP para ng komportableng lugar.
Gayunman, isasailalim pa rin sa autopsiya ang bangkay ng babaeng PUPC upang alamin ang tunay na sanhi ng kanyang pagkamatay habang ipinaalam na rin sa kanyang mga kaanak ang nangyari sa kanya.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA