![](https://agilangbayan.com/wp-content/uploads/2021/08/Eleazar-wants-5-cops-involved-in-death-of-Nadia-Casar-dismissed.jpg)
Arestado na ng PNP – Anti Kidnapping Group (AKG) ang apat sa pitong pulis na suspek sa pagdukot at panununog sa isang babaeng online seller sa Palayan, Neuva Ecija.
Kinilala ni PNP AKG Director P/BGen. Rudolph Dimas ang mga naarestong suspek na sina P/SSgt. Benidict Reyes, P/SSgt. June Malilin, P/Cpl. Julius Alcantara at isang Dario Robarios na caretaker ng farm kung saan dinala ang biktimang si Nadia Casar na isang online seller.
Habang nananatiling at large naman ang iba pa na kinilalang sina P/MSgt. Rowen Martin, P/SSgt. Drextemir Esmundo at isang Franklin Macapagal.
Batay sa report ng PNP-AKG, July 20, pabalik na sana ng Cavite ang biktimang si Nadia Casar sakay ng isang kotse matapos makipagkita sa kaniyang kliyente umano na si Franklin Macapagal nang harangin sila ng isang pick up sakay ang tatlong armadong lalaki at may kasama pang naka-motor.
Kinabukasan, pinalaya ang driver ni Casar na nakilala lang sa alyas na Mark na siyang nagpasaklolo sa mga tauhan ng AKG para sagipin ang biktima na nasa isang safehouse sa Brgy. Tagpos.
More Stories
Bong Revilla, Villar at iba pa pormal nang inendorso… MGA PAMBATO NI MARCOS SA PAGKA-SENADOR WALANG BAHID NG DUGO, KORAPSYON
Survivor sa “Superman stunt” sa Marilaque binawian ng driver’s license ng LTO
KICK-OFF MOTORCADE RALLY NG ‘ANG BUMBERO NG PILIPINAS’ PARTY-LIST RUMATSADA NA