KULONG ang isang babaeng drug suspect matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyong halaga ng shabu habang nakatakas naman ang kanyang kasama na target ng buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City.
Sa ulat ni Caloocan police chief P/Col. Paul Jady Doles kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, kinilala ang naarestong suspek na si alyas Sara, 36, ng lungsod.
Lumabas sa imbestigasyon na nagsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng buy bust operation sa B40 L25, King Solomon Street, Barangay 188, matapos nilang magawang makipagtransaksyon sa kasama ng suspek.
Gayunman, nang matapos ang abutan ay nakatunog umano ang target na pulis ang kanyang katransaksyon kaya agad itong tumakbo hanggang magawang makatakas habang napigilan naman ang kanyang kasabwat.
Ayon kay SDEU chief P/Lt. Restie Mables, narekober nila ang buy bust money at isang coin purse na naglalaman ng tatlong medium plastic sachets ng hinihinalang shabu na naiwan ng nakatakas na suspek. Aabot sa 22 grams ng umano’y shabu na may standard drug price value na P149,600.00 ang nakumpiska ng pulisya.
Mahaharap ang naarestong suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
More Stories
Christian Benedict Paulino, James Ang, unang ginto sa swimming, athletics
Elpidio R. Quirino, Guro to Pangulo
DOST 1 DIRECTOR CHAMPION SA GENDER SENSITIVITY AT MAINSTREAMING SA ISPSC