DINAKIP ng mga tauhan ng Philippine Ports Authority (PPA) ang isang 57-anyos na babaeng branch manager ng security agency dahil sa pagdadala ng mga bala nang walang anumang appropriate permit sa Port Area Manila.
Kinilala ni P/Major Randy Ludovice, hepe ng Northern NCR Maritime Police Station ang suspek bilang si Sarah Macatangay, ARB-1 Security Agency, Branch Manager at residente ng Brgy., 4, Coron, Palawan.
Ayon kay Major Loduvice, habang sumasailalim sa x-ray screening machine sa Port Area Manila dakong alas-2:40 ng hapon si Macatangay ay kusang loob niyang sinabi sa duty security na si Zeniemee Guiritan na may dala siyang apat na kahon ng mga bala ng baril.
Dahil walang anumang appropriate permit sa naturang mga bala ay dinakip siya ng mga tauhan ng PPA at nakumpiska sa kanya ang tatlong kahon na naglalaman ng 50 pirasong bala ng 9mm at isang kahon na naglalaman ng 40 pirasong bala ng cal. 45.
Tinurned-over ni Julie Lucero, Security Port Police Inspector ng PPA ang suspek sa Maritime Police Station sa Navotas City kung saan mahaharap siya sa kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunation Regulation Act).
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA