
Dead on arrival sa Danao Provincial Hospital ang isang 64-anyos na lalaki matapos atakehin sa puso matapos maghubad sa kanyang harapan ang kanyang 28-anyos na kasintahan.
Naganap ang insidente dakong alas-4:00 noong Nobyembre 16, 2020 sa isang resort sa Estaca, Compostela Cebu habang magkasama sina Jigger at Yami (mga hindi tunay na pangalan).
Sa pagsisiyasat ng pulisya, tinanggal daw ni Yami ang pang-itaas nitong damit nang biglang sumikip ang dibdib ni Jigger hanggang sa mahirapan nang huminga.
Kaagad na tumawag si Yami nang tulong sa resort staff at agad isinugod sa nasabing ospital ang kanyang boyfriend pero nalagutan na ito ng hininga.
More Stories
Vote-Buying at Abuso sa Pondo… TAYTAY MAYOR ALLAN DE LEON, LACUNA AT IBA PA, PINAGPAPALIWANAG NG COMELEC
VP SARA DUDA SA TIMING NG P20/KILO NG BIGAS ROLLOUT: PANAHON NG ELEKSYON? MEDYO KAHINA-HINALA
PBBM bumuo ng 3-man panel para tiyakin ang tuloy-tuloy na pamahalaan habang nasa abroad