NASAWI ang isang 39-anyos na babae matapos salpukin ng rumaragasang “kolong-kolong” habang naglalakad sa gilid ng kalsada sa Navotas City, kahapon ng umaga.Dead-on-arrival sa Tondo Medical Center ang biktimang si Ferleen Javier, residente ng Block 34-C Lot-16 Phase 2, Area-2 Brgy. NBBS Dagat-dagatan, Navotas City sanhi ng tinamong pinsalang sa ulo at katawan.
Arestado naman ng pulisya ang nagmamaneho ng kolong-kolong na si Mark Biatingo, 25, vendor ng Block-26, Area-1, Brgy. NBBS Dagat-Dagatan.
Sa ulat na isinumite ni Traffic Investigator P/SSg Antares San Antonio kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, naglalakad sa gilid ng kalsada ng M. Naval St, Brgy NBBS-Kaunlaran ang ginang patungong Agora Market.
Pagsapit sa tapat ng Frabelle Cold Storage dakong alas-7:40 ng umaga, biglang sinalpok ang biktina ng rumaragasang ng Honda TMX 125 (789-NZL) na kinabitan ng kolong-kolong at minamaneho ng suspek kaya kaagad itong isinugod sa nasabing pagamutan subalit, hindi na umabot ng buhay.
Ayon kay Col. Cortes, sinampahan na nila ng kasong Reckless Iimprudence Resulting in Homicide sa Navotas City Prosecutor’s Office ang suspek matapos sumailalim sa medical examination sa Navotas City Hospital habang ini-impound naman ang minamaneho niyang kolong-kolong sa impounding area ng Navotas Police Station. (JUVY LUCERO)
More Stories
DOH SA PUBLIKO: GAWING LIGTAS, MALUSOG ANG HOLIDAY SEASON
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
Navotas, tumanggap ng Gawad Kalasag