June 3, 2025

Babae na wanted sa carnapping, tiklo

ARESTADO ang 53-anyos na ginang na wanted sa kaso ng carnapping sa Pasig City matapos matunton ng pulisya sa kanyang pinagtataguan sa Lungsod ng Caloocan.

Sa ulat, nakakuha ng warrant of arrest ang mga tauhan ni Northern Police District (NPD) District Director P/BGen. Josefino Ligan na inilabas ng Pasig City Regional Trial Court (RTC) Branch 167 para kay alyas “Juliet Jardin”, na kabilang sa mga Most Wanted Person sa naturang lungsod.

Nang makatanggap ang mga tauhan ni Gen. Ligan ng impormasyon kung saan nagtatago ang akusado, agad bumuo niyang iniutos sa District Anti-Carnapping Unit (DACU) ang pagdakip sa kanya.

Kaagad namang ikinasa ng DACU-NPD ang operation na nagresulta sa pagkakaaresto kay alyas Juliet Jardin na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya dakong alas-2:50 ng hapon sa kanyang tinutuluyang lugar sa Caloocan.

Binitbit ang akusado sa bisa ng naturang warrant of arrest para sa paglabag sa R.A 10883 o ang New Anti-Carnapping Act of 2016 na may inirekomendang piyansa na P300,000.00 para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa Custodial Facility Unit ng NPD habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte.