
PATAY ang isang 37-anyos na babae matapos barilin ng maskaradong salarin habang papauwi sa kanilang bahay sa Tondo, Maynila kaninang umaga.
Hindi na umabot pa ng buhay sa ospital matapos magtamo ng tama ng bala sa ulo ang biktimang si Jennylyn Marcos, ng Int. 51 Raxabago, Dagupan Ext., Tondo.
Habang mabilis na tumakas ang lalaking suspek na hanggang ngayon ay hindi pa nakikilala.
Ayon sa Manila Police District (MPD)-Jose Abad Santos Police Station 7 (PS-7), naganap ang pamamaril dakong alas-9:30 ng umaga.
Naglalakad ang nasabing biktima nang harangin siya ng suspek at binarl sa ulo nang malapitan.
Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya kaugnay sa motibo ng krimen.
More Stories
“Pasig Deserves Better: Mas Mura, Mas Marami, Mas Makatao”
RCBC ATM Go, Magiging Bukas na sa Foreign Tourists: Mga Sari-Sari Store, Gagawing Mini-Bank sa Mga Tourist Spot
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa