PATAY na nang matagpuan ang isang 12-anyos na babae na hinihinalang ginahasa at pinagsasaksak pa sa leeg at katawan sa lalawigan ng Quezon.
Ayon sa hepe ng pulisya na si Major Lope Liwanag, huling nakitang buhay ng kanyang lolo ang Grade 7 student dakong alas-6:30 ng umaga noong nakaraang Biyernes.
“Nagpaalam po siya na pupunta lang doon sa lugar na may signal ang cellphone dahil kailangan niyang mag-text sa kanyang teacher. Pero 8 a.m. na ay hindi pa siya bumabalik kaya sinundan ko na siya para hanapin,” salaysay ng lolo.
Nabatid na isang matandang lalaki ang nakakita sa nakahandusay at nakahubad na bangkay ng biktima sa madamong bahagi ng isang barangay na hindi kalayuan sa bahay ng suspek. Nagtamo ng ilang tama ng saksak sa leeg at katawan ang biktima.
Sa isang follow-up operation, agad naaresto ng mga operatiba ang suspek na si Artemio Mendeja, 66, magsasaka/mangingisda.
Sa ipinadalang report ni Liwanag kay Quezon police director Col. Audie Madrideo at Mayor Pobel Yap, sinabi nito na nakitaan ng mga kalmot sa likurang bahagi ng katawan ni Mendeja at braso habang tinatanong ng mga operatiba. Napansin din ang mantsa ng dugo sa jogging pants ng suspek dahilan para siya ay arestuhin ng mga operatiba.
“And prior to his arrest, Jonry Emprese, 21, cousin of the victim, told our investigators that sometime in July, he saw the suspect touching the victim’s leg while the latter was taking a bath in a nearby deep well,” ayon kay Liwanag.
Nakita rin ng mga operatiba ng Police Intelligence ang suspek na ilang beses inoobserbahan ang pinangyarihan ng krimen.
Itinanggi naman ng suspek na siya ang may kagagawan sa nasabing krimen.
Dinala ang katawan ng biktima sa Pagbilao Funeral Parlor sa Lucena City para sa awtopsiya.
Nilinaw naman ni Liwanag na isolated incident lamang ang nangyari at ginagawa lahat ng municipal government sa ilalim ng pamumuno ni Yap at ng lokal na pulisya para panatilihin ang kapayapaan sa bayan.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA