Siniguro ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tuloy-tuloy ang pamamahagi ng tulong sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng bagyong Ulysses.
Ayon kay DSWD Spokesperson Irene Dumlao, ang National Resource Operations Center (NROC), ang ipamamahaging food stockpiles at standby funds ay aabot sa P800 milyon.
Kung saan, ang standby funds ay may ponding P226 milyon. Nakahanda na rin ang 282,000 ipamamahaging family food packs at mga non-food items sa DSWD-field offices.
Sa ngayon, nasa 1,000 family food packs, 250 sleeping kits ang naipamahagi sa mga evacuees sa Quezon City, 2,000 FFPs at 400 sleeping kits naman para sa Marikina City .
Paparating na rin ang 2,000 family food packs sa Cardona, Rizal, at 4,961 sa San Narciso, Quezon.
Mayroon namang ₱3-million na standby funds ang ahensya sakaling kailanganin pa ng suporta ng mga apektadong LGUs.
Inihahanda na rin ng NROC ang paghahatid ng 3,300 family food packs para sa Legazpi Albay, at 1,700 FFPs para sa Camarines Norte.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA