ITINANGGI ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na nagagamit sa politika at vote buying ang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) at Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP).
“Let me reiterate that all the DSWD’s Field Offices across the country serve people in need, whether they are walk-in clients or were referred to by local government unit (LGU) officials. The DSWD continues to process applications and distribute assistance through AICS and AKAP to qualified beneficiaries,” ayon kay Gatchalian.
Ang DSWD ang nagpapatupad ng mahigpit verification at validation process para sa mga kababayan natin na nangangailangan ng tulong pinansiyal, kahit ang mga rekomendasyon mula sa mga mambabatas at iba pang local government unit (LGU) officials.
“The assessment being done by our licensed social workers is critical to avoid the overlapping of assistance with the other DSWD programs,” dagdag niya.
Sinabi rin Gatchalian na habang ang DSWD ay aktibong nakikipagtulungan sa mga opisyal ng LGU sa pag-oorganisa ng payout activities, ang pondo mula sa AKAP at AICS ay nanggagaling sa budget ng ahensiya na ipinagkakaloob sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA).
“There is no GAA line item that entitles any congressional district or LGU to have an allocation in any amount and lodged this with the DSWD that could benefit their constituents. Referrals from legislators and local executives are entertained pursuant to existing DSWD guidelines,” saad niya,
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA