Sumentro sa pangmatagalang tulong para sa mga manggagawa ang mensahe ni Vice President Leni Robredo.
Ayon kay Robredo, ang tuluyang pagkawala ng kontraktwalisasyon sa panig ng mga obrero ang inaasam ng mga ito.
Samantala, kinilala naman ng opisyal ang ambag ng mga manggagawa sa lipunan at kasaysayan.
Hangad umano niyang maging araw ito, hindi lamang ng papuri at pasasalamat, kundi pati ng kongkretong aksyon sa mga isyung matagal nang idinadaing ng mga manggagawa.
Sa harap ng pandemya, ang pagsiguro aniyang may sapat na ayuda, suporta para sa mga nawalan ng kabuhayan, maayos na pampublikong transportasyon at ligtas na mga lugar ng trabaho ang mainam na ipagkaloob sa mga trabahador. Dagdag pa nito, ipinakita ng pandemya na ang manggagawang Pilipino ang lakas ng ating ekonomiya, kaya nararapat lang na sama-samang itaguyod ang kanilang mga karapatan at kapakanan, at sama-samang sumulong sa mas ligtas, mas patas at mas makataong mundo para sa bawat manggagawa at bawat Pilipino.
More Stories
DIGONG TATAYONG ABOGADO NI VP SARA VS IMPEACHMENT
Christmas holiday: BI nagtala ng halos 190,000 na mga biyahero sa mga paliparan
Sharks Billiards Association inaugural season… TAGUIG STALLIONS ANG KAMPEON