November 3, 2024

Ayuda for jobless workers part 2

Isa ka ba sa mga manggawang nawalan o mawawalan ng trabaho dahil sa pagsara ng kumpanya o pagbawas ng mga manggagawa dahil sa pandemic?

Nagsimula na muling mamigay ng ayuda ang DOLE. May safety nets na ipinapatupad ngayon ang Department of Labor and Employment para sa mga manggagawang nawalan trabaho dahil sa lockdown at pagtigil sa operation ng mga companies.

Kung ikaw ay pansamantalang natigil sa trabaho dahil sa lockdown, kailangang mag-submit ng listahan ang iyong employer o manpower at security agencies ng listahan ng mga unemployed workers sa DOLE regional office kalakip ang kopya ng payroll at ATM accounts ng mga apektadong empleyado.

Kahit ilaw ay regular o contractual, makakatanggap ka ng one-time COVID19 Adjustment Measure Program (CAMP) sa halagang at least P5,000.
Kung ikaw naman ay vendor, tricycle o jeepney driver, at construction worker, maari kang personal na mag-apply ng cash for program na TUPAD o Tulong Panghanapbuhay sa ating Displaced/Disadvantaged Workers Program.

Sa TUPAD, ang qualified na mga beneficiary ay bibigyan ng trabaho ng DOLE sa loob ng 10 araw at bibigyan ng daily minimum wage depende sa region kung saan ka nag-apply.

May mga challenges nga lang ang pag-apply maging programa mismo. Pero kailangang magtiyaga at magpasensya. Kontakin ang DOLE regional offices for more info.
Bilang tulong, dapat iporoseso kaagad ng employer thru Human Resource Director o Manager sa DOLE para makuha kaagad ang cash assistance.