November 5, 2024

AYUDA ‘DI SAPAT, MGA TAO MAPIPILITANG LUMABAS KAHIT ECQ

NASILIP ng mga ekonomista ang makupad at delay na cash aid ng gobyerno na dahilan kaya napipilitan ang mahihirap nating kababayan na lumabas at  maghanap-buhay kaya nawalan ng saysay itong hard lockdown.

Ayon kay ING Bank Manila senior economist Nicholas Mapa, dapat maging maagap ang mga awtoridad at ibigay agad ang tulong pinansiyal kung nais nilang bumagal ang pagdami ng impeksyon ng COVID-19.

“Lockdowns with little cash aid may result in low compliance, with citizens likely leaving their homes in search of food, a development which could stifle efforts to slow the spread of the disease,” ayon kay Mapa.

Matatandaan na sinabi ng gobyerno na magbibigay lamang sila ng P1,000 o ‘in kind’ kada tao.

Ibibigay ang nasabing ayuda sa ikalawang linggo ng Abril, na manggagaling sa hindi nagamit na pondo sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act.

Nagmamadali na ang economic team ni Pangulong Rodrigo Duterte na muling buksan ang naghihirap na ekonomiya sa kabila ng pagtaas ng kaso ng coronavirus. Ngunit nagbabala ang mga ekonomista na ang kalusugan ng publiko at ekonomiya ay kailangan timbangin, at itong krisis ng COVID-19 na lubhang kailangang bigyang pansin.

“The longer we delay stamping out the virus, the higher the probability of a return to ECQ and a quick revert to reopen the economy may backfire once more and result in a third installment of the ECQ series,” ayon kay Mapa.