Sinabi ni former two-division world champion Timothy Bradley na mapanganib para kay Terrence Crawford si Manny Pacquiao.Yan ay kung matutuloy ang sagupaan nilang dalawa na napaulat na idaraos sa June 5 sa Dubai.
Aniya, mayroong talent ang People’s Champ na iti-teyk advantage nito laban sa kahinaan ni Crawford.Tatlong beses nang nakalaban ni Bradley si Pacman. Kaya alam niya magiging alas nito sa laban.
Bagama’t natalo niya ito sa questionable first bout nila noong Abril 9, 2012, binawian siya ng 2 beses nito sa kanilang trilogy noong 2014 at 2016.
Inihayag din Bradley na nakipag-sparring siya sa WBO welterweight champion (37-0, 28KO’s). May nakita aniya siyang butas kay Crawford. Na sasamantalahin naman ni Pacman (62-7-2, 39 KO’s).
“That’s a mean name, Dre. I got to say,” ani Tim Bradley to ESPN.
“I’ve been 36 rounds with Pacquiao, and I’ve been over 100 rounds with Terence Crawford.”
Kaugnay dito, napaulat na humihingi si Pacquiao ng $40 million para lumaban kay Craword.
“Manny Pacquiao, he loves, and I’m going to go ahead and spill it right now. I’m going to let you guys know. Manny Pacquiao loves when guys pull back, and that’s a problem,” aniya.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA