Inihayag ni Los Angeles Lakers legend Magic Johnson na isang NBA superstar ang rerekta sa New York Knicks. Mangyayari raw ito sa 2021-2022 NBA season.
Gayunman, hindi binanggit ni Johnson kung sinong player iyon. Ayon pa sa 5-time NBA champion, gusto ng player na iyon ang nilalaro ng Knicks. Isa pa, ang success ng Knicks ngayong season ang nakaakit sa NBA superstar.
Kinokonsidera rin ni Magic Johnson ang New York na isa sa brightest young teams ngayon sa liga.
“Superstars are gonna want to play here now (in New York),” sabi ni Johnson na tinuran ni Alder Almo ng Empire Sports Media.
“I think because they made the run and got to the playoffs. And the city is alive about the Knicks, right? I think guys are now looking at and say, ‘Hey man, if I put myself in that lineup with Julius (Randle), (Immanuel) Quickley, (RJ) Barrett and on, and on. Hey, man, we could do something special.’ Because that’s what guys wanna see,” aniya.
Sa 2021 offseason, magiging free agent na sna Kawhi Leonard, Chris Paul at DeMar DeRozan. Malamang na isa sa kanila ang binabanggit ni Johnson ayon sa source.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2