NANAWAGAN si House Assistant Majority Leader at Ako Bicol Party-list Rep. Raul Angelo Bongalon kay Vice President Sara Duterte na magbitiw na sa puwesto kung hindi naman siya interesado na gampanan ang kanyang tungkukin at responsibilidad bilang bise.
Kasunod ito ng hindi pagdalo ni Duterte sa plenary deliberations ng Kamara sa proposed budget ng Office of the Vice President.
Kumalat larawan at video ni Duterte sa social media habang nasa Calaguas Island noong Lunes ng umaga.
“Ibig sabihin po nito wala talagang intensyon na dumalo dito po sa pagdinig ng plenaryo upang i-sponsor at i-defend ang budget ng OVP (Office of the Vice President) sapagkat kung meron po siyang intensyon dapat Sunday man lang andito na siya sa Manila o kaya naman nakipag-communicate siya sa Office ni Cong. (Zia Alonto) Adiong para magkaroon po ng briefing at mapaghandaan ng budget sponsor ang mga katanungan po sa OVP,” ayon kay Bongalon.
“Consistent naman po yung Vice President natin, in fairness to her, consistent in the sense na hindi po siya dumalo noong Committee on Appropriations budget hearing pati po sa plenary hindi rin po dumalo,” dagdag ni Bongalon.
Aniya, pagpapakita lamang ito na si Duterte ay hindi interesado na gampanan ang kanyang tungkulin at responsibilidad.
“So kung ganyan po yung lumalabas probably we can ask her to step down as the Vice President,” aniya.
“Kasi nakikita natin eh, hindi naman siya dumadalo sa mga pagdinig dito po sa Kongreso so ano pong ibig sabihin nito hindi na po siya interesado at mas pinili nya pa pong pumunta sa isang beach resort kesa dumalo po dito sa pagdinig ng kaya pong budget.”
“I believe its the filipino people, its up to them to judge the Vice President,” dagdag ni Bongalon. “Kung hindi na po siya interesado sa kanya pong duties and functions as the vice president we can ask the Vice President to step down.”
More Stories
TRILLANES TUTURUAN NG LEKSYON NI DIGONG
CALINISAN BAGONG NAPOLCOM COMMISIONER
CATANDUANES, CAMARINES SUR SIGNAL NO. 5 KAY PEPITO