Matapos ang matagumpay na paglulunsad ng Award for Promoting Philippines-China Understanding noong nakaraang taon (2021), ikinalulugod at ikinagagalak na inanunsiyo ng Association for the Philippines-China Understanding (APCU) at Embassy of the People’s Republic of China sa Pilipinas ang “Call for Nomination” para sa APPCU 2022.
Ang APCU ay ang pioneer at ang nangungunang non-government organization (NGO) sa Pilipinas sa pagtataguyod ng people-to-people diplomacy, bilateral understanding, at pagkakaibigan ng Pilipinas at China.
Bubuksan ang Call for Nominations mula Enero 27 hanggang Marso 18, 2022 ng alas-5:00 ng hapon, oras sa Pilipinas. Isasagawa ang preliminary review ng mga nominado pagkatapos mismo ng deadline para sa nominasyon, habang ang second round at final reviews ng mga nominado ay magaganap sa Abril 2022.
Iaanunsiyo ang APCCU 2022 winners sa 2nd week ng Mayo. Gaganapin ang official award ceremony sa 2nd week ng Hunyo upang ipagdiwang ang “Filipino-Chinese Friendship Day” at gunitain ang araw kung kailan itinatag ang pormal na diplomatikong ugnayan at relasyon sa pagitan ng Republika ng Pilipinas at Republika ng Tsina noong Hunyo 9, 1975.
Itinataguyod ng APPCU ang diwa ng pagkakaibigan at pagkakaunawaan sa pagitan ng Pilipinas at China. Nilalayon nitong palawigin ang recognation, acknowledgement, at pagpapahalaga sa mga indibidwal na gumawa ng marka at malaking kontribusyon sa pagpapabuti at pagsulong ng relasyon, pagkakaunawaan, at pagkakaibigan ng Pilipinas-Tsina gamit ang kani-kanilang pagsisikap sa iba’t ibang larangan at disiplina tulad ng media at pamamahayag, serbisyo publiko, makatao at panlipunang aksyon, komersiyo at kalakalan, sining at kultura, ugnayang tao-sa-tao, akademya, information and communication technology (ICT), agham, kalusugan at mga gamot.
Para sa karagdang impormasyon sa nomination process at guidelines, mangyari lamang na bisitahin ang www.apcu.org.ph/appcu. Para sa mga katanungan, kumontak sa APPCU Secretariat sa [email protected] o tumawag sa +639480079489/+09277102233.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna