November 5, 2024

AUTOMOTIVE INDUSTRY DAMAY SA BAGONG DTI ORDER

“Anti-poor at anti-development.”

Ganito inilarawan ng abogado at radio broadcaster na si Trixie Cruz-Angles ang bagong Department Administrative Order (DOA)  na inisyu ng Bureau of Philippine Standards at ng Department of Trade Industry.

Ayon kay Atty. Angeles, dapat ay isinalalim muna sa public hearing o consultation ang DTI DAO 10-20 Series of 2020  dahil hindi lamang industriya ng yero at bakal ang tatamaan nito kundi pati na rin ang automotive at iba pang industriya ng bansa.

Sa ilalim ng DAO na nagkabisa noong Enero 21, 2021, naging mandatory na ang certification ng hot-dipped metallic coated at pre-painted galvanized steel coils at sheets na ginagamit sa paggawa ng yero at general applications.

Subalit ang masaklap dito, ayon kay Angeles, kahit exempted ang non-roofing user sa DAO na pinatutupad ng DTI at Bureau of Philippine Standards, obligado pa rin silang maghain ng permit at mga dokumento kung kaya’t nade-delay ng kalahating buwan ang paglabas ng kanilang shipment dahil dito.

Ang mga non-roofing user na apektado ng DAO ay ang industriya ng automotive, non-roofing construction, electrical, electronics, semiconductor, farm and agricultural, ice plant and storage, fisheries, poultry and hogs raisers, machineries, at iba pa.

Sinabi ni Angeles na ang mandato ng DTI ay protektahan ang publiko pero kabaligtaran ito sa pinalabas nilang DAO dahil tatamaan nito ang mga maliliit na pamilya.

“They should be transparent and fair in executing policies that are favorable to the consuming public, including small home owners constructing their dream houses who will be economically affected by the new DAO under the prevailing pandemic condition of the country,” diin pa ni Angeles.