NAG-COURTESY visit ang Australian Border Force (ABF) sa pangunguna ni Tim Titzgerald, Deputy Commissioner of National Operations, sa Bureau of Customs (BOC) upang paigtingin ang collaborative efforts sa pagitan ng dalawang administrasyon sa pagpapalas ng border protection.
Ginanap ang pagpupulong sa OCOM Conference Room at dinaluhan ng ilang opisyal ng ABF, kanilang sina Brooke Leung, Counsellor sa Australian High Commission sa Kuala Lumpur; Brent Tonna, First Secretary sa Embassy of Australia; at Jennifer Bryant, First Secretary ng Department of Home Affairs ng Australian Embassy sa Pilipinas. Sa BOC naman, dumalo sina Atty. Teddy Sandy S. Raval, Deputy Commissioner ng Enforcement Group (EG); Isabelo A. Tibayan III, Acting Director ng Enforcement & Security Service; Jerry M. Arizabal, hepe ng Customs Police Division; Danielo S. Gonzales, hepe ng Water Patrol Division; Rechilda T. Oquias, head ng External Affairs Office; at Genilyn Minardo, COO V, EG, Conc. PCAG.
Sa nasabing pag-uusapm nagpahayag ang ABF ng matinding interes sa potensiyal na pakikipagtulungan sa BOC, partikular sa posibilidad sa pagsasagawa ng joint operations at pagbabahagi ng best practices na may kaugnayan sa pagkakasabat sa tobacco, vapes at sigarilyo.
Muli rin binalikan sa nasabing pagpupulong ang mga nakaraang talakayan na naka-sentro sa capacity-building offers mula sa ABF. Bilang tugon, ipinarating ng BIC ang kanilang kasabikan na lumahok sa training program na nakatuon sa Maritime Security, Trade-Based Money Laundering, Financial Fraud Investigation, and Leadership Training. Binigyang-diin din ni Fitzgerald ang kahalagahan ng ongoing review sa umiiral na Memorandum of Understanding (MOU) na nilagdaan sa pagitan ng ABF at BOC noong Abril 23, 2007 at ang pangangailangan na panatilihin itong napapanahon at tumutugon sa pangangailangan ng parehong customs administrations.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Bagong gym, binuksan sa Navotas
PAGPAPALIBAN SA BARMM ELECTIONS, PINAG-AARALAN NA – PBBM