September 20, 2024

August 8, 2020: Alamin ang inyong kapalaran base sa iyong zodiac sign

LEO (Jul.23 – Aug.22) Magkakatotoo ang kutob. Bigyan ng pagkakataon ang isang indibiduwal na magpaliwanag ng kanyang panig bago mo siya husgahan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 15, 27, 32 at fuchsia.

VIRGO (Aug.23 – Sept.23) Magkakaroon ka ng bagong pagkakaperahan. Kung magiging agresibo sa pagkilos, kabaligtaran ang magiging resulta sa akala, kaya maging mahinahon. Lucky numbers at color for the day ay 1, 17, 34, 43 at violet.

 LIBRA (Sept.24 – Oct.23) Maaaring magkaproblema sa trabaho o sa pag-aaral. Ingatan ang pamilya at bigyan sila ng prayoridad. Lucky numbers at color for the day ay 9, 15, 30, 31 at red.

 SCORPIO (Oct.24 – Nov.22)  Marami kang matatapos na gawain sa araw na ito at malaki ang tsansang kumita ng malaki sa isang transaksiyon o sideline. Lucky numbers at color for the day ay 5, 11, 27, 44 at blue.

 SAGITTARIUS (Nov.23 – Dec.21) May mga pagbabagong mangyayari. Lawakan nga­yon ang pang-unawa dahil may ilang makakasama na reklamador o mainitin ang ulo. Lucky numbers at color for the day ay 6, 13, 24, 41 at brown.

 CAPRICORN (Dec.22 – Jan.19) Hindi ka dapat panghinaan ng loob kung sa palagay mo na tila may humahadlang sa iyong mga pangarap. Makinig sa payo ng mga taong iyong hinahangaan at gustong tularan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 8, 35, 34 at tangerine.

 AQUARIUS (Jan.20 – Feb.18) Huwag matakot sa gagawing pakikipagsapalaran. Kung nag-aaway kayo ng isang malapit na kaibigan, ito ang tamang araw na makipagbati sa kanya. Lucky numbers at color for the day ay 6, 14, 23, 38 at corn yellow.

 PISCES (Feb.19 – Mar.20) Magiging sentro ka ng atensyon sa araw na ito. Maraming mata ang nakatuon sa iyo kaya dapat iwasan ang pagyayabang dahil tiyak matutuklasan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 6, 17, 28 at electric blue.

 ARIES (Mar.21 – Apr.19) Iwasan ang mangako sa isang kasama o kaibigan, dahil tiyak may hadlang sa pagtupad. Gampanan ang mga tungkulin na ibinibigay sa iyo. Lucky numbers at color for the day ay 5, 9, 14, 32 at pink.

 TAURUS (Apr.20 – May 20) Hindi lahat ng gusto ay makukuha. Huwag gumawa ng anumang bagay kung may duda o hindi naiintindihan. Lucky numbers at color for the day ay 7, 16, 26, 40 at orange.

GEMINI (May 21 – Jun.21) May posibilidad na mapapaaway ka sa isang kaibigan kung hindi mag-iingat. Magkakaroon ka ng problema sa pakikisama sa taong may katungkulan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 5, 26, 38 at sea blue.

CANCER (Jun.22 – Jul.22)  Ang balak mo para sa araw na ito ay maglakbay at magliwaliw kasama ang pamilya. Barkada o minamahal. Lucky numbers at color for the day ay 10, 19, 34, 39 at gray.