Pormal nang naghain si Atty. Silverio “Biyong” Garing ng kanyang kandidatura sa Commission on Elections (Comolec) para sa 2022 elections bilang congressman ng Muntinlupa City.
Sa loob ng mahigit sa 22 taong panunungkulan bilang hepe ng Registrar of Deeds ng Muntinlupa, hinangaan si Atty. Garing ng mga Muntinlepeño sa angking galing, katapatan, damdamin para sa mahihirap at pagiging tunay na lingkod bayan.
Ito ang naging daan upang igawad ni Sec. Alfonso Cusi, Presidente ng PDP Laban kay Atty. Garing ang basbas na maging kinatawan ng Muntinlupa City sa kongreso.
Ang pagmamahal sa mga Muntinlepeño ang dahilan kung bakit buong puso niyang tinanggap ang alok ni Sec. Cusi, upang makatulong na maiangat ang antas ng pamumuhay ng mga taga-Muntinlupa.
Sakaling palarin na mailuklok bilang kinatawan ng Muntinlupa City, isa sa nais isulong ni Atty. Garing ang pagkakaroon ng dalawang Congressional District ang lungsod ng Muntinlupa, ayon na din sa matagal nang hiling ng mga Muntinlepeño. Sa kawangis na paniniwala nito na higit na mapapaunlad ang lungsod kung may dalawa itong representasyon.
Ayon kay Atty. Garing, sa pamamagitan ng dalawang representasyon sa kongreso, higit na matutugunan ang pangangailangan ng bawat Muntinlepeño at mabilis na uunlad ang lungsod.
Nais din ni Atty.Garing na bigyan ng kaukulang pansin ang sistema ng usaping pangkalusugan ng bawat Muntinlepeño, sa pamamagitan ng mas malaking pondo sa mga ospital sa Muntinlupa.
Bibigyang halaga din ni Atty. Garing ang kasalukuyang problema ng mga informal settlers. Kung paano ang mga ito ay mapagkalooban ng sariling lupa at tahanan sa legal na paraan.
Si Atty. Garing ay miyembro ng FEU Law Batch 1991. Naging Presidente ng FEU LAW ALUMNI ASSOCIATION o FEULAA. Kasapi din siya ng Freemasons at naging Past Master ng Laon Laan Masonic Lodge No. 185 at Past District Deputy Grand Master o PDDGM ng Masonic District NCR-E.
Bukod pa dito, siya rin ang Charter Master ng Muntinlupa City Lodge Masonic Lodge No. 414. Ito ay ilan lamang sa kanyang mga napagtagumpayan. Sa katauhan ni Atty. Garing, naniniwala ang PDP-Laban na magaganpanan nito ang kanyang tungkulin bilang tunay at nagmamalasakit na lingkod bayan ng Muntinlupa.
More Stories
Sharks Billiards Association inaugural season… TAGUIG STALLIONS ANG KAMPEON
P680K shabu, nasamsam sa HVI tulak sa Valenzuela
Security guard, kulong sa panunutok ng baril sa Malabon