
Rumesbak ang human rights lawyer na si Atty. Kristina Conti sa pagkalat ng posts sa social media na inaakusahan siyang may kaugnayan siya sa rebelyon.
Sinabi nito na, pang-distract lamang ang mga pangre-redtag sa kaniya.
Si Conti ay isa sa mga assistant to counsel na accredited ng International Criminal Court ICC. Kasama rin siya sa mga legal counsel ng mga kaanak ng biktima ng drug war sa ilalim ni dating pangulong Rodrigo Duterte.
“Marahil, hindi nga ako pangkaraniwang abogado kasi tinindigan at pinokusan ko talaga itong usapin na ito. Hindi ko kailangan maging miyembro ng CPP-NPA (Communist Party of the Philippines-New People’s Army) para gawin to,” giit ng abogado. (BERNIE GAMBA)
More Stories
ANG PHARMALLY QUEEN AT ANG KATAHIMIKAN NG COMELEC
ICC, inutusan ang prosekusyon na isumite ang ebidensya laban kay Duterte bago ang Hulyo 1
MAHIGIT P1 TAAS-PRESYO NG PETROLYO SA SUSUNOD NA LINGGO ASAHAN NA