September 19, 2024

ATTY. BIYONG GARING TINUTUKAN ANG MGA FIRE VICTIMS SA MUNTINLUPA CITY

Imbes na samantalahin ang mahabang bakasyon at magpahinga kasama ang kanyang pamilya, mas minabuti ni Atty. Biyong Garing na ilaan ang kanyang panahon o oras sa pagbisita at pagtulong sa mga residente na nasunugan sa Barangay Putatan, Muntinlupa City.

Dinamayan ni Garing ang mga nasunugan sa pamamagitan ng pamamahagi ng grocery items.

Kapansin-pansin na inilaan ni Garing ang unang linggo ng Bagong Taon o Taong 2022 sa pagbibigay ayuda sa mga nasunugan sa  lugar.



Para sa kaalaman ng mga taga-Muntinlupa matagal na at mahigit 22 taon ng naglilingkod si Biyong sa nasabing lugar, dito siya nakilala bilang isang tunay na lingkod bayan na may puso at damdamin para sa mga mahihirap.

Si Biyong ang official candidate ng PDP-LABAN Cusi wing, sa nasabing lugar para sa May 2022 election.

Tumatakbo si Garing bilang congressman ng Muntinlupa City.