
Naitabla ng Atlanta Hawks ang series sa 2-2 sa Eastern Conference Finals. Niluray ng Hawks ang Milwaukee Bucks sa Game 4, 110-88.
Nanguna si Lou Williams sa pagratsada ng Hawks at sinamantala ang pagkakataon. Dumagit si Williams ng 21 points, 5 boards at 8 assists. Nag-ambag naman si Bogdan Bogdanovic ng 20 points, 5 assists, 4 steal at 3 boards.
Si Williams ang pumapel sa posisyon ni Trae Young na may iniindang injury. Patas lang ang siste ng Hawks at Bucks.
Dahil nagtamo ng hyper extended knee si Giannis Antetokounmpo sa 3rd quarter. Hindi na ito nagbalik pa sa laro na kinapitalays ng Hawks. Kung kaya, natambakan nila ang away team sa pagkawala ng ‘The Greek Freak’.
Si Clint Capela naman ay bumira ng 15 points at 7 boards. Swa panig naman ng Bucks, nagtala si Jrue Holiday ng 19 points, 5 boards at 9 assists. Habang si Khris Middleton naman ay bumuslo ng 16 points, 8 boards at 5 assists.
Magbabakbakan ang 2 teams sa Game 5 na idaraos sa balwarte ng Bucks sa Biyernes.
More Stories
Pinay Lawyer, Pasok sa Top 200 World Rankings sa Padel
QC Todo na sa Kalikasan! Fashion Show, Tree Giveaway at Plastic Ban, Tampok sa Earth Day 2025
REBELDE NA NANUNOG NG SIMBAHAN SA ILIGAN, ARETADO SA BUKIDNON