
Rumesbak ang Atlanta Hawks sa Game 4 ng NBA playoffs Eastern Conference semifinals. Dinagit ng Hawks ang Philadelphia 76ers sa iskor na 103-100.
Dahil sa panalo, naitabla ng Hawks ang series sa 2-2. Gumawa si Trae Young para sa Atlanta ng 25 points, 18 assists at 4 boards.
Nag-ambag naman si Bogdan Bogdanovic ng 22 points at 5 rebounds. Si Jason Collins naman ay bumira ng 14 points at 12 rebounds.
Sa panig naman ng 76ers, umiskor si Tobias Harris ng 20 points at 5 rebounds. Si Joel Embiid naman ay naglista ng 17 points, 21 boatds at 4 assists.
Idaraos ang Game 5 sa balwarte ng 76ers sa Wills Fargo Arena sa Huwebes ( Manila time).Tatangkain ng Hawks na makaisa uli ng panalo upang maikasa ang 3-2 lead sa series.
Ngunit, sisikapin naman ng 76ers na manalo upang makalamang sa serye.
More Stories
UAAP: ATENEO TINALO ANG DATING UNDEFEATED NA UP MAROONS
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo