
Bumida si Trae Young sa pagdagit ng Atlanta Hawks sa New York Knicks,113-96 sa Game 4 ng East Round 1. Kaya naman, lamang na sa 3-1 sa serye ang Hawks.
Bumuslo si Young ng 27 points at 9 assists. Tumulong naman si Danilo Gallinari na bumira ng 21 points at 4 boards. Si Clint Capela naman ang tumikada ng 10 points, 15 boards at 2 assists.
Samantala, sa panig ng Knicks, gumawa si Julius Randle ng 23 points, 10 boards at 7 assists. Nag-ambag naman si RJ Barrett ng 21 points, 6 boards at 4 assists.
Si Derrick Rose naman ay pumukol ng 18 points, 6 assists at 2 boards.
Ang Game 5 ay idaraos sa Madison Square Garden sa Miyerkules.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT