Nakabangon ang Atlanta Hawks mula sa pagmasaker sana sa kanila ng Philedelphia 76ers sa Game 5 ng East semifinals.
Sinilat ng Hawks ang 76ers sa isang exciting game, 109-106. Kaya naman, lamang na sa 3-2 sa series ang Hawks.
Sa unang sargo pa lamang ng laro, iniwanan agad ng Philadelphia ang away team. Katunayan, tinambakan nila ng 26 points ang Atlanta. Pero, nagbago ang ihip ng hangin sa second half.
Nagtrabaho ng husto ang players ng Hawks. Hanggang sa mahabol nila ang home team.
Bumida si Trae Young sa panalo nito na kumamada ng 39 points, 7 assists at 3 steal. Nag-ambag naman si John Collins ng 19 points, 11 boards at 2 blocks.
Si Danilo Gallinari naman ay naglista ng 16 points at 8 rebounds.
Sa panig naman ng 76ers, gumawa si Joel Embiid ng 37 points, 13 boards, 5 assists at 4 blocks.
Tumulong naman si Seth Curry sa pagbuslo ng 36 points, 6 boards at 2 steals.
Idaraos ang Game 6 sa balwarte ng Hawks sa Philipps Arena sa Sabado ( Manila time). At tatangkain ng Hawks na sikwatin na ang serye.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2