December 26, 2024

‘ASYNCHRONOUS CLASSES’, IDINEKLARA SA MAYNILA DAHIL SA TIGIL-PASADA

Inanunisyo ng Manila LGU na ipatutupad ang asynchronous classes sa lahat ng pampublikong paaralan at sa lahat ng antas sa siyudad mula Marso 6 hanggang 11 dahil sa paparating na transport strike.

Sa inilabas na abiso, hinimok din ni Manila Mayor Honey Lacuna ang pribadong eskwelahan na magpatupad muna ng online classes kaugnay din sa tigil-pasada.

“Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan declares asynchronous classes in all public schools in all levels in the City of Manila from Monday, March 6 to Saturday, March 11, 2023 due to the upcoming transport strike in NCR,” ayon sa Facebook post ni Atty. Princess Abante ng Manila Public Information Office.

“Private schools are encouraged to switch to online classes during this time,” saad pa sa public advisory. Ibig sabihin niyan, walang pasok ang mga bata pero bibigyan sila ng aktibidad upang gawin sa kani-kanilang bahay. JERRY S. TAN