
Dinispatsa ni Pinoy boxer Vincent Astrolabio si Guillermo Rigondeaux via unanimous decision sa Dubai Marina sa U.A.E. Pinabiran ng judeges si Astrolabio (17-3-12 KO’s) sa iskor na 95-94.
Napabagsak ng Pinoy boxer si Rigondeaux (20-3, 13 Ko’s) sa 8th round. Tumba ang kaaban nang tamaan ng solid right uppercut. Ito rin ang naging rason ng naging margin of victory.
Ang pagkatalo ni Rigondeaux ay ikalawa na sapol nang tumuntong sa bantamweight division noong 2020. Natalo siya sa kanyang huling laban kay John Riel Casimero noong Agosto ng nakaraang taon.
Dinomina ni Astrolabio ang 10 rounds kontra sa Cuban boxer.
Bagamat nahirapan sa galaw ng kalaban, nalutas naman ni Astrolabio ang puzzle. Na naging dahilan upang kumonekta ang mga suntok nito sa katunggali.
More Stories
National Open C’ship sa Kalibo… RAVEN SIKARAN TANAY READY NA SA BAKBAKAN SA AKLAN!
PH WNM Arvie Lozano kampeon sa Laos FIDE Standard Chess tilt
TNT binanderahan ni Almond Vosotros sa 94-70 panalo vs NorthPort