Umatras na ang British company na AstraZeneca sa kanilang aplikasyon upang makapagsagawa ng clinical trials ng COVID-19 vaccine dito sa bansa.
Ayon kay Food and Drugs Administration (FDA) Director-General Eric Domingo, sinabi raw ng kompanya sa mga local regulators na sapat na kasi ang hawak nilang datos kaya hindi na nila itutuloy ang trials.
Pero siniguro ni Domingo, wala raw magiging epekto ang pag-atras ng AstraZeneca sa regulatory approval ng bakuna.
Ang pasyang ito ng AstraZeneca ay ilang araw lamang matapos nitong makuha ang endorsement ng research ethics board ng bansa, na isa sa mga kailangan bago makapagsagawa ng trials sa bansa.
Noong Disyembre 4, sinabi ni Dr. Nina Gloriani, head ng vaccine expert panel, hinihintay na lamang nila ang tugon ng kompanya sa kanilang komento bago sila magpasya kung ieendorso nila ang aplikasyon nito sa FDA.
Sa pag-urong ng nasabing kompanya, tanging ang Sinovac Biotech Ltd., Sichuan Clover Biopharmaceuticals, Gamaleya Research Center, at ang Janssen ng Johnson and Johnson’s na lamang ang inaasahang magsagawa ng clinical trials sa Pilipinas.
More Stories
LEO FRANCIS MARCOS, INATRAS KANDIDATURA
Galvez sa MILF: Magsagawa ng imbestigasyon… 4 PATAY KABILANG ANG 2 SUNDALO, 12 IBA PA SUGATAN SA PANANAMBANG SA BASILAN
CIDG ‘KOLEKTONG ISYU’ MATULDUKAN NA KAYA?