
MAY buwelta si Leyte mayoral candidate Kerwin Espinosa kay Leyte 4th District Rep. Richard Gomez matapos sabihing scripted lang daw ang tangkang pagpatay sa self-confessed drug lord na si Espinosa.
Nagpahayag ng pagdududa si Gomez, na isang aktor at dating nominee ng Mamamayan Ayaw sa Droga (MAD) party-list, sa naturang tangkang pagpatay kay Espinosa, kung saan sinabihan nito ang huli na walang krebilidad.
“Do not believe somebody like him who has no credibility and a self-confessed drug lord. He will not do anything good for mankind,” ayon kay Gomez. “Honestly, para sa akin scripted yung ambush me. Ang pangit ng acting, ang pangit ng pagkagawa.”
Bilang tugon, hinimok naman ni Espinosa ang kongresista na mas magnilay-nilay at mapagkumbaba ngayong Mahal na Araw.
“Hinay-hinay lang sa paghusga, Congressman. Holy Week ra ba karon. Pag-isipan mo ang iyong mga salita at gawa, dahil hindi gusto ng Panginoon ang kayabangan at pagmamataas. Pareho lang tayo, tao at may mga kasalanan. Ang tinitingnan ng Diyos ay ang kabutihan ng ating puso at kung paano natin tratuhin ang kapwa,” ayon kay Espinosa.
Inakusahan din ng mayoral bet si Gomez na mayroong record ng pang-aabuso habang ikinumpara kung sino sa kanilang dalawa ang may mas naitulong sa ibang tao.
“Sabi mo na wala akong magawang mabuti sa kapwa? Tingnan mo ang sarili mo sa salamin. Alam ng mga tao sa distrito natin kung sino sa ating dalawa ang may record na pang-aabuso, at kung sino sa ating dalawa ang mas nakikipagkapwa tao,” dagdag niya.
More Stories
Tolentino: 60 kph speed limit mahigpit na ipatupad
IMEE MAY BUWELTA KAY CHIZ: SIYA ANG AMBISYOSO
MGA MATATAAS NA OPISYAL NG PNP SA BARMM, PINASISIBAK!