Isang kabayanihan noon ang ginawa ng tinaguriang “ Man’s Bestfriend” na si Monty. Sinagip kasi nito sa tiyak na kapahamakan ang kanyang amo. Nangyari ito tatlong taon na ang nakalilipas.
Kasi naman, tinamaan ng lightning bolt o kidlat ang kanyang amo. Na alkalde ng Redruth sa Cornwall ay agad na dinala ito ng aso sa kanilang bahay.
Ang naturang amo ng bayaning aso ay si Ian Thomas, 64-anyos. Ang kanyang kulay itim na German Schnauzer na si “Monty”.
Bago mangyari ang insidente ay lumabas at naglakad-lakad noong umaga. Sa hindi inaasahang pangyayari, tinamaan ang matanda ng kidlat. Patay na sana siya kung hindi siya nakasuot ng Wellington Boots.
Ang tumamang boltahe mula sa kidlat ay naging sanhi upang tumurit si lolo Ian sa ere, na kung saan, walang malay siyang bumagsak sa lupa.
Nagkaroon na lamang siya ng malay nang simulang dila-dilaan ang kanyang mukha ng 5-taong gulang na asong si Monty, na nadaplisan din ng boltahe ng pagkakataong iyon.
Malaki ang pasasalamat ni lolo Ian kay Monty, dahil kung hindi siya naagapan nitong iligtas at naidala agad sa ospitalmalamang na napuruhan.
At nagkaroon ng komplikasyon ang tumamang lightning bolt sa iba pa niyang nararamdaman sa katawan gaya ng sakit sa puso.
More Stories
Pelikulang Restored na ‘Bulaklak sa City Jail’, Nasa YouTube na!
Ang Enero ay Pambansang Buwan ng Biblia
Manuel A. Roxas, Natatanging Lingkod Bayan