December 25, 2024

ASIATECH JAGUARS PINADAPA ANG LA SALLE LIPA,92-77 SA SLUCAA

Asiatech Jaguars

NAGPARAMDAM ng maugong na mensahe ang powerhouse Asiatech men’s basketball squad matapos silain ang LaSalle Lipa ,92-77 sa opening game highlight ng bagong ligang  SLCUAA (Southern Luzon Colleges Universities Athletic Association) na ginanap sa Queen Anne School sa Sta.Rosa,Laguna. nitong nakaraang weekend.

Limang frontliners ng Jaguars ang umiskor ng   double digit pasimuno si Loloy Lucas na kumamada ng  25 pts. katuwang sina Jericho Mateto 18pts.,Jabby Montoya 15.. Jerome Vergara na may tikadang  14pts at Denzel Articona na may 12 puntos upang akayin ang Asiatech nina team owners  Shelalin G.Lleve at Noel Barraquio para sa kumbinsidong   panalo.

 “Balanse ang score ng team because of team work. Walang star sa tropa at ang mindset talaga ay ang kumuha ng kumpiyansa sa depensa and after good defense, dumadating ng kusa ang opensa.maganda yun defensive rotation at help and recover,”wika ni Jaguars head coach Pablo Lucas na nagpaabot ng pasasalamat sa management( Mdam Shelalin at Sir Noel),kay sports coordinator Joel Reyes at coaching staff niyang sina Jacob Lucas at Ron Monte.   Nagpasiklab si Articona ng  5 out of 5 sa huling 5 minuto ng laban  at ang outside shioting  at assist nina loloy (lucas) euro step and out side shooting ngAsia Tech ang gumiya tungong buwenamanong panalo kontra Archers ng Lipa.

Sina Jonas Laruga at Cyrus Crugat ang nanindigan para sa losing cause ng La Salle. Ang iba pang kalahok na malakas na team ay ang Mapua Cabuyao,SPC,SPCBA,Timex at SMCL. (RON TOLENTINO)