ANG pasiklab ng natutunang husay mula sa training sa Europe, lumikom si Breanna Labadan ng suma- total na 56.70 points matapos ang hoop at ball events upang pumuwesto ng pang-pito pangkalahatan sa individual all-around qualifiers kahapon sa pagratsada ng 14th Senior Rhythmic Gymnastics Asian Championships sa Ninoy Aquino Stadium.
Ang 16-anyos na si Labadan, bronze medalist noong 31st Vietnam Southeast Asian Games, umiskor siya ng 28.50 at 28.20 sa hoops at ball, ayon sa pagkakasunod, habang nalalabi pa ang clubs at ribbon sa kumpetisyon na inorganisa ng Gymnastics Association of the Philippines.
Ang cancer survivor at 2019 30th SEA Games gold medalist na si Daniela dela Pisa, na lumiban sa hoops, ay pumuwesto pang-33 matapos umiskor ng 23.15 puntos sa ball event ng torneong suportado ng Philippine Sports Commission.
Sinabi naman ni competition manager Anna Carreon, na si Dela Pisa ay eligible pang sumabak sa all-around finals dahil may laban pa siya sa clubs at ribbons na nakatakda ngayon.
“As long as she competes in three events in the qualifiers and finishes among the top 18, Daniela can still compete in the finals,” wika ni Carreon sa timpalak na may basbas ng Asian Gymnastics Union at inayudahan ng Taishan, United Harbor Pilots Ass’n Phils. Inc. Milo at Pocari Sweat.
Ang nag-iisang local entry sa senior meet na si Trisha Mae Montifalcon, ay nagtala ng 20.15 puntos sa nag-iisa niyang event na ‘the hoops ay
rumanggong 29th sa naturang international meet na inalalayan din ng Sofitel Hotel at Hotel 101.
Namamayagpag sa standing si Uzbekistan ace Takhmina Ikromova na parehong una sa hoops at ball sa identical scores na 33.70 points bawat isa para sa total output na 67.40 points.
Humahabol si Elzhana Tanizyeva (65.10) ng Kazakhstan ha bang ang compatriot niyang si Aibota Yertkayzy ang tumersera (62.50) sa kumpetisyong suportado rin ng PLDT/Smart, Pastorelli, TODA, Lifeline at ng Mercato Centrale Group.
Sa makulay na pambungad seremonya na binigyang ningning ng pagdalo ni PSC chairman Richard Bachmann at Asian Gymnastics Union president Ali Al-Hitmi ng Qatar, GAP president Cynthia Carrion ang nag- welcome sa higit 200 atleta mula 20 bansa na nagpasiklaban sa apat na araw na event.
“The competition is a qualifier for the next world championships set in August in Valencia, Spain, which means that the rhythmic gymnasts present today are the only the best of the countries they represent,”ani Carrion .”I will motivate all of them the best as they compete in the spirit of camaraderie, sportsmanship and fair play.”
More Stories
NBI nasamsam ang mga pekeng Chanel na nagkakahalaga ng P44-M sa Makati City
MMDA sinuspinde ang number coding scheme para sa holiday season
BuCor bubuo ng board upang pag-aralan kung pasok si Veloso sa GCTA