NAGING matagumpay ang pagdaraos ng dalawang araw (Oktubre 15-16, 2024) na 6th Asian Mediation Association (AMA) Conference, sa pangunguna ng Supreme Court of the Philippines at sa pakikipagtulungan ng Office of the Court Administrator at Philippine Judicial Academy, sa Grand Hyatt Manila sa Taguig City.
Sa temang “Harmony and Strategic Innovations in Mediation and ADR,” layon ng conference na pagsama-samahin ang local at international experts, ADR practitioners, academics at advocates sa buong Asya at iba pa upang i-explore ang future ng mediation at ang papel nito sa pagtaguyod ng kapayapaan at hustisya.
Sa kanyang keynote address, binigyang-diin ni Hon. Rosmari Carandang, Chancellor ng Philippine Judicial Academy ang pangangailangan para sa makabagong pamamaraan sa mediation at alternative dispute resolution (ADR) upang tiyakin na ang justice system ay mananatiling accessible, efficient at equitable
Tampok sa dalawang araw na event ang walong sesyon na idinisenyo upang isulong ang dayalogo at palitan ng kaalaman sa malawak na paksa na may kaugnayan sa mediation at ADR. Kabilang sa mga sesyon ay pagtalakay sa Family Mediation sa pangunguna ni retired Philippine Justice Terista Leonardo-De Castro; Access to Justice and Disputes Resolution Across ni Justice Pamidighantam Sri Narasimha ng Supreme Court ng India; The Use of Mediation in Managing Environmental Disputes na iprenesenta ni Atty. Brenda Jay C. Angeles-Mendoza mula sa ADR Department of PHILJA.
Kabilang din sa naging sesyon ay ang Community Dispute Resolution in the Philippine Context kasama si Atty. Irene D.T. Alogoc; Enhancing International Dispute Resolution Capabilities for the Complex Global Business Environment ni Dr. Alfred Chan ng Hong Kong Mediation Center; at ang Survey of Online Dispute Resolution Platforms ni Mr. Anil Xavier ng Indian Institute of Arbitration and Mediation.
Natalakay din dito ang Artificial Intelligence as Tool in Mediation ni Mr. Daryl Chew; at Ethical Challenges in the Age of Digital Mediation na iprenesenta ni Mr. Chern Yang See ng Singapore International Mediation Institute.
Nagsalita rin sa conference si Hon. Alfredo Caguiao, Associate Justice ng Supreme Court of the Philippines, kung saan binigyang-diin nito na ang mediation bilang mahalagang alternatibo sa conventional court proceedings.
“The foremost aspiration of mediation is to resolve disputes within the framework of the rule of law,” ayon kay Caguiao.
Nagsilbing guest of honor sa naturang event si First Lady Louise Araneta-Marcos, na binigyang-diin din ang kahalagahan ng conference sa pagsulong sa layunin ng Philippine judiciary na mapabilis ang hustisya sa pamamagitan ng ADR mechanisms.
More Stories
KAMARA IKINULONG CHIEF OF STAFF NI VP SARA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo
5 tiklo sa P311K droga sa Caloocan