Tuluyan ng niretiro ng NLEX ang jersey 88 ni Asi Taulava.
Isinagawa ito sa halftime ng laro ng NLEX at TNT Tropang Giga sa Philsport Arena.
Muli kasi ni-reactivate ng Road Warriors ang 50-anyos na si Taulava para tapatan ang record ni PBA legend Robert Jaworksi na mayroong longest-tenured player sa kasaysayan ng PBA.
Nakapaglaro pa si Taulava ng halos dalawang minuto bago tuluyang ianunsiyo ang pagreretiro ng kaniyang jersey.
PInasalamatan ng 6-foot-9 na player ang mga fans na sumubaybay ng kaniyang 24-taon career.
Kasama nito sa center court ang knaiyang pamilya at dating coaches na sina Yeng Guiao ng Rain or Shine, Dioceldo Sy na siyang nagdala sa Fil-Tongan player sa Pilipinas.
Si Taulava na 17-time PBA All Star at four time Mythical Team member ay isa sa best big men ng PBA ng 2000. RON TOLENTINO
More Stories
ZERO BUDGET DESERVE NI VP SARA – ESPIRITU
IMEE, VILLAR UMABOT NA SA P1-B ANG GASTOS SA POLITICAL ADS
KUWAITI NATIONAL UMAMIN SA PAGPATAY SA OFW