GAGAWARAN ng Department of Science and Technology-Region 1 (DOST Region 1), sa pamamagitan ng Provincial Science and Technology Office-Ilocos Sur (PSTO-IS), ng ASFv Nanogold Biosensor Test Kits and Laboratory Equipment ang Candon City bilang bahagi ng kanilang Smart and Sustainable Communities Program.
Layon ng programa na palakasin ang kakayahan ng siyudad sa paglaban sa African Swine Fever (ASF) sa pamamagitan ng maagang pag-detect at pagtugon habang itinataguyod ang sustainable agriculture sa tulong ng innovative technologies.
Ang ASFV Nanogold Biosensor Tesk Kit, na dinebelop ni Dr. Clarissa Yvonne Domingo at kanyang team mula sa Central Luzon State University (CLSU), ay ang unang Filipino-designed screening tool para sa ASF. Nade-detect nitong advance diagnostic kit ang ASF viral nucleic acids sa biological at environmental samples, kabilang ang blood, tissues, surface swabs, farm water at processed pork products.
โWith results available in just 30 minutes, the technology combines a nucleic acid-based assay and nanotechnology using gold nanoparticles for quick and reliable visualization. The cost-effective and environmentally friendly kit provides a vital tool for managing ASF outbreaks and rebuilding the swine industry,โ ayon sa DOST.
Gaganapin ang awarding ceremony at training sa Candon City. Igagawad ni Engr. Jordan Abad, Provincial Director ng PSTO-Ilocos Sur, na kakatawan kay DOST Region 1 Regional Director Dr. Teresita Tabaog, ang naturang kits at equipment kina ๐๐ฟ. ๐๐น๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ๐-๐๐ฎ๐ด, City Veterinarian; ๐๐๐๐. ๐๐ฎ๐ป ๐๐ฎ๐ฐ๐๐๐ฎ๐ป๐ฎ, LGU Representative; ๐ ๐ฟ. ๐๐ฒ๐ผ๐ป๐ฐ๐ถ๐ผ ๐๐ฎ๐น๐ฏ๐ถ๐ป, ๐๐ฟ., City Information Officer; at ๐ ๐ฟ. ๐๐ฟ๐ถ๐ฐ ๐๐ฎ๐ฐ๐๐๐ฎ๐ป, City Agriculturist.
Tiniyak ni Dr. Domingo, na mangunguna sa technical training, na magagamit ng mga participant nang epektibo ang diagnostic tool upang subaybayan at kontrolin ang ASF sa loob ng lungsod.
Ang awarding ng ASFV Nanogold Biosensor Test Kits at laboratory equipment ay isang testamento ng commitment ng DOST sa Science, Technology at Innovation. Ang pagbibigay ng mga advanced na kagamitan sa Candon City bilang isang ๐ฆ๐บ๐ฎ๐ฟ๐ ๐๐ถ๐๐ ay tutugon sa mga hamon sa agrikultura partikular sa industriya ng baboy at titiyak sa seguridad sa pagkain.
Ang inisyatibang ito ay alinsunod na rin sa pagsisikap na palakasin ang local swine industry, na labis na naapektuhan ng ASF. Sa pamamagitan ng maagap na detection at pagkontrol sa ASF outbreaks, mapapahusay ng Candon City ang pamamahala sa kanilang mga hayop, masusuportahan ang muling pagbangon ng ekonomiya, at patataasin ang tiwala ng publiko sa produksyon ng baboy.
Ang DOST Rehiyon 1 ay nakatuon sa pagpapaunlad ng mga lokal na pamayanan at sa pagbibigay ng suporta para sa malinaw at mapapanatiling pag-unlad sa Ilocos Sur!
More Stories
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
2 tulak, tiklo sa Malabon drug bust